Buhay OFW

Pinoy resto “Happy Bee” patok sa mga Pinoy sa Bangkok

Buhay OFW

Pinoy resto “Happy Bee” patok sa mga Pinoy sa Bangkok

Isa sa mga pinakabagong kinahihiligan ng mga Pinoy ngayon sa Bangkok ay ang pagpunta sa Happy Bee, The Filipino Cuisine at Jim’s Lodge Hotel Bangkok.

Ang Happy Bee ay isang Filipino restaurant sa loob ng hotel sa soi Ruamrudee, Ploenchit, Bangkok. Ito ay walking distance lamang mula sa Holy Redeemer Church sa soi Ruamrudee at 5-minute walk mula sa BTS Skytrain Phloenchit Station.

Bukas ang Happy Bee simula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng gabi araw-araw. Ang pinakapatok dito ay ang “Buffet” tuwing Sabado at Linggo na nagkakahalaga lamang ng 299 baht. Pwede ring umorder ng paborito mong pinoy food na nagkakahalaga ng 99 baht pataas. Meron ding halo-halo sa presyong 99 baht.

Tumatanggap din ng private events at catering ang Happy Bee tulad ng binyagan, birthday party, at iba pa. Maliban sa pagkaing pinoy, meron din silang special room rate para sa mga suking pinoy.

Happy Bee at Jim’s Lodge Hotel Bangkok
125/7 Soi Ruamrudee Ploenchit Road, Bangkok, Thailand
Contact: Khun Jirasa (Barbie) 092-523-9339 / Chef AJ via Line at Ajay73

Share us what you think of this