Staff Pick

Kailangan ng tulong pinansyal ng mga Pinoy paddlers sa Thailand

Staff Pick

Kailangan ng tulong pinansyal ng mga Pinoy paddlers sa Thailand

Ang grupo ng Filipino Alliance in Rayong Thailand (FARTH) at Kababayan at Kapamilya sa Thailand (KKT) ay nanawagan ng tulong pinansyal para sa mga atletang Pilipino na kasalukuyang lumalahok sa 14th World Dragon Boat Racing Championships sa Chonburi, Agosto 20-25.

Halos 200 Pilipinong atleta ang lumalahok sa patimpalak. Ang tulong na maipaaabot sa grupo ay gagamiting pambili ng pagkain at pambayad sa kanilang transportasyon papunta sa hotel at venue.

Sa mga nais magpahatid ng kanilang tulong pinansyal, makipag-ugnayan lamang kay Ms Jane Cabaya (KKT) at Ms Laine Icaro (FARTH). Maari ring ihulog sa account number sa ibaba.

Melane Icaro Divinagracia
Krungthai Bank
2180377851

Ang FARTH, KKT at iba pang mga OFW sa Chonburi at Rayong ay sama-samang tumutulong sa mga Pilipinong atletang nabanggit.

0 Shares

Share us what you think of this