News

Kontrata ng first time direct hires at mga nag ‘change employer’ kailangan ipa-red ribbon

Paalala sa mga kababayan nating uuwi ngayong pasko at bagong taon na kailangan pong ipa-red ribbon ang mga kontrata ng mga first time direct hires at yung mga nag ‘change employer’, ayon sa Philippine Embassy.

Narito ang buong pahayag ng Philippine Embassy sa Bangkok noong September 28.

MGA KASAGUTAN MULA SA POEA PATUNGKOL SA PAG ‘RED RIBBON’ NG MGA EMPLOYMENT CONTRACTS

Kamakailan, ang Embahada po ay nakatanggap ng mga tawag mula sa ating mga kababayan sa Thailand tungkol sa pag red ribbon ng employment contracts.

Sa isang radio interview sa POEA ngayong gabi, sabi po ng POEA na kailangan pong ipa-red ribbon ang mga kontrata ng mga first time direct hires at yung mga nag ‘change employer’. Ang interview po ay mapapanood sa https://goo.gl/xXRr6J (mula sa 6:40 mark).

Ang Embahada po ay handang tumulong sa ating mga kababayan para matupad ang requirement na ito mula sa POEA. Kung urgent po ang inyong pangangailangan na pag-red ribbon ng inyong contract, sabihin lang sa aming Consular Section sa Embahada at ipa-process namin ito in half a day.

Wishing everyone a restful weekend! Good luck po sa mga kukuha ng PRC Licensure Exam dito sa Bangkok on Sunday!

 

Related article on getting a ‘red ribbon’ document at the Philippine Embassy.

https://pinoythaiyo.com/2017/05/23/how-to-get-red-ribbon-school-documents-from-the-embassy/