Arestado ang isang Pinay sa kasong “fraud” o panloloko noong nakaraang Biyernes, Pebrero 1, 2019.
Ang pinay na suspek ay nakakulong ngayon sa Klong Prem Central Prison sa Chatuchak District, Bangkok. Fraud at overstaying ang kasong kinakaharap ng suspek.
Ang nasabing Pinay ay sinampahan ng kasong fraud dahil sa pagpapanggap na kaibigan ng isang mayamang negosyante at nangakong mag-invest ng milyon-milyong baht para sa ilang mga proyekto sa Bangkok. Matapos makuha ang tiwala ng kanyang mga biktima, magbebenta naman sya ng insurance policy. Subalit hindi nya ire-remit ang bayad sa insurance ng kanyang mga Pilipinong biktima sa ibat-ibang bahagi ng Thailand.
Sang-ayon sa batas, iligal ang pangongolekta ng pera ng isang foreign “agent” ng mga insurance companies.
Maliban pa dito, sasampahan din sya ng iba pang kaso sa di pagbabayad ng utang na nagkakahalaga ng mahigit kumulang na 100,000 baht at pananakot sa mga taong kanyang inutangan.
Ayon sa kapatid na nasa ibang bansa, ang suspek umano ay nakulong na din sa Dubai sa kasong panloloko. Nag-recruit din umano eto ng mga Pilipino sa kanilang lugar sa South Cotabato na pingangakuan nyang makakapagtrabaho sa abroad subalit hindi natuloy.
Photo: Reuters