Isang grupo ng mga OFWs sa Thailand ang bumuo ng petisyon upang hikayatin ang gobyerno partikular na si Labor Secretary Silvestre Bello III at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na isama ang mga Pilipinong mangagawa sa Thailand sa mga makakatanggap ng ayudang 10,000 pesos ng programang DOLE-AKAP.
Ayon sa datos ng Philippine Embassy, nasa 30,000 na mga Pilipino ang nagtatrabaho sa Thailand. Karamihan sa kanila ay apektado ng COVID-19 dahil sa pagsasara ng mga eskwelahan, learning centers, hotels at iba pang establisyemento.
Sama-sama at kapit bisig nating kalampugin ang mga kinauukulan.
SIGN THE PETITION NOW! Click this link to sign petition to urge government to give 10k pesos assistance to Thailand-based OFWs
Ang petisyon ay pinangungunahan ni Lota M. Namia, isang OFW mula sa Davao City. Si Namia ay isang dating OFW sa Singapore (2012-2017) at isa sa mga leaders ng DDS. Sya din ang founder ng OFW Global Movement Singapore Chapter 2014-2016. Sya ngayon ay nagtuturo sya sa isang pampublikong paraalan sa Satun, Thailand.
OFWs displaced by COVID-19 to get P10k
Guidelines for 10k OFW assistance out, Thailand-based workers not included