Isang baguhang pinay teacher ang naka-confine ngayon sa Chai Nat Hospital matapos isugod dahil sa panananakit ng kanyang appendix noong Linggo, Agosto 2.
Si Rosienda Caingoy, 25, ay kakasimula pa lamang magtrabaho bilang isang guro noong Miyerkules ng nakaraang linggo. Nito lamang Sabado ay sumakit na ang kanyang tagiliran. Sinamahan siya kanyang co-teachers na pinoy noong Linggo sa isang clinic kung saan sila naman ay kaagad na pinapunta sa ospital.
Kaagad na inoperahan si Caingoy noong Linggo ng gabi. Siya ay nasa ligtas ng kalagayan subalit sya ay mahina pa at pinagpapahinga ng doktor ng 3 araw.
Kasama ang kanyang kaibigan, sila ay dumating sa Thailand noong Marso bago mag-lock down ang buong bansa dulot ng COVID-19. Para maka-survive habang lockdown at dahil wala pang available na trabaho sa Thailand, si Caingoy ay pansamantalang nagturo online. Maraming beses din umano silang nag-fasting na magkaibigan para lang makatipid, sabi ng kanyang kaibigan.
Naka-usap ng PinoyThaiyo si Caingoy kaninang umaga. Hirap pa siyang magsalita at medyo mahina pa ang kanyang kalagayan. Kailangan din nya ng tulong pinansyal sapagkat wala syang kamag-anak at sya’y baguhan pa lamang sa Thailand. Wala din syang kasama sa ospital. Ang mga co-teachers na naghatid sa kanya sa ospital ay nagtatrabaho na rin. Malaking tulong kung merong mga kababayan na makakabisita sa kanya. Maaari syang tawagan sa numero 0822909150.
Maari ding magpadala ng tulong pinansyal para kay teacher Rose sa account number sa ibaba.
Bangkok Bank
9267018605
Marcial Ramano Caadan
(Si Caadan ang pinoy landlord sa tinitirahan ni Teacher Rose sa Bangkok.)
Maraming salamat po sa inyong tulong!