bes alin ang mas bet mo mcdo jollibee
Entertainment

Bes, alin ang mas gumuhit na TV ad sa puso mo: team McDo o team Jollibee?

Mga bessy, kapag buwan ng mga puso ay muling kinikiliti ang ating damdamin ng mga nakikita o napapanood natin sa ating kapaligiran.

Sa social media ay kumakalat ngayon ang dalawang advertisements na totoong maraming naantig ang puso, mga patalastas na maaaring magpabaliktanaw sa sarili mong nakaraan.

Nakakatuksong pagkumparahin ang dalawang patalastas. Parehas kasi ito ng tema: ‘first love’ o ‘love at first sight’, mga pag-ibig na ‘sure na’ ngunit hindi pala, pero okay lang daw. Hmmm, okay nga lang ba? Panoorin mo, bes. Tapos tingnan natin kung okay nga lang talaga!

Una nating panoorin ang Team McDo. Sa maikling video clip ay makikita ang dalawang bata sa restaurant ng McDonalds na madaling naging magkaibigan. Dito nag-umpisang umusbong ang ‘first love’ ng batang lalake. May soundtrack ito ng isa sa mga paboritong kanta noong 90’s ng Eraseheads, ang ‘Paraluman’.

Sa version naman ng Jollibee ay sa counter ang kauna-unahang pagtatagpo. Dito nagkaroon ng ‘love at first sight’ ang lalake. Naging magkaibigan ang dalawa at pinakitang totoo ang pagmamahal ng lalake. May mga eksenang for sure na makaka-relate ang marami. Ang ending ay sa simbahan ngunit hindi sila nagkatuluyan.

So alin sa dalawa ang mas bet mo, bes, at bakit?