Here’s a story sent by Rheynald and Annaliza who first met on Facebook while they were both thousands of miles away (Philippines and Thailand), and how their relationship flourished amid this scary pandemic.
“Ako po si Rheynald Tulalian, isang OFW na nag wowork dito sa Thailand.
Gusto ko lang po i-share ang naranasan namin simula sa LDR and LDR no more.
Si Annaliza (my girlfriend) po ay 3 yrs nang teacher dito sa Thailand at sa messenger lang kami nagkakilala pero iisa lang kami ng province sa Catanduanes.
Si Anna ay nasa Thailand at ako ay nasa Pilipinas, naging kami ng hindi pa kami nagkikita.
Umuwi si Anna sa Pilipinas August 2018 para magbakasyon at yun ang una naming pagkikita.
January 14, 2019 lumipad ako sa Thailand para magbakasyon at January 15 ay aking kaarawan, 1 week akong nag stay sa Thailand at marami akong natutunan at sinabi ko kay Anna na gusto ko mag work dito sa Thailand at mag stay para kahit papaano ay malapit kami sa isa’t-isa.
December 2019 nagbakasyon si Anna sa Pilipinas at bumalik siya ng January sa Thailand at ayun na yung time na nagkaroon ako ng opportunity at tinanggap ko yun dahil gusto ko rin mapalapit sa kanya, kahit nag dadalawang isip ako kahit 2 year course lang ang natapos ko bilang IT, nilakasan ko nalang loob ko.
Nag hire ang company ni Anna ng Admin at nirecommend ako ni Anna at natanggap naman ako.
Kaso hindi madali ang naging process namin noon kasi working pa ako noon sa pinas at gusto na ng amo ni Anna na makapunta na ako ng Thailand para maayos na ang papers.
Hindi naging madali ang lahat kase may travel incentives kami noon sa company ko sa Pilipinas na papuntang Korea at yung passport ko ay nasa Korean embassy para sa visa kaya hindi ko kaagad na asikaso ang mga papeles ko like Non-B visa at pag aayos sa POEA.
Ang isa pang problema ay yung Covid-19 dahil that time sobrang taas ng cases sa Korea so kapag sumama ako sa Korea possible na hindi ako makapasok ng Thailand kasi nag-ban po sila pag galing sa Korea.
Inasikaso ko ang papers ko last week na ng February and flight ko sa Thailand ay March 12, 2020.
Nalagpasan ko ang lahat ng yun at nakapasok ako ng Thailand bilang OFW.
Pero hindi pa dun nagtatapos ang lahat kasi ng pagdating ko ng Thailand ay nag home quarantine ako ng 26 days at pagkatapos ng quarantine ay naglockdown naman dito sa Thailand kaya nung panahon na yun ay no work no pay ako. Grabe ang struggles ko noon na akala ko kapag pumunta na ng abroad ay okay na magiging buhay kasi nasa ibang bansa na pero hindi pala.
Binigyan ako noon ng allowance ng boss namin para nakasurvive ako sa lockdown.
At ngayon eto nandito pa din ako nagwowork sa language center at kasama ko sa work si Anna, ako po ay isang Admin dito.
Tuloy tuloy lang ang laban, hindi madali ang buhay maraming trials pero pag sinamahan mo ng dasal lahat ng pagdadaanan natin ay sasamahan tayo ng ating Diyos.
At higit sa lahat hindi na kami LDR ni Anna magkasama na kami dito sa Thailand.
Eto po yung mga Vlog namin about po sa aming struggles dito sa Thailand.
1 YEAR HERE IN THAILAND: https://youtu.be/_z66e4cEUvQ
GETTING TO KNOW Rheynald and Annaliza: https://youtu.be/IO4gGWTeCSA
Our Life verse:
Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.
Joshua 1:9
Salamat po PinoyThaiyo sa pakikinig sa aming kwentong LDR.
Rheynald Tulalian
Annaliza Tusi Tuplano
Do you have any inspiring stories to tell? Or, do you know anyone whose story deserves a feature and commendation? Share it with PinoyThaiyo. Submit an article to pinoythaiyo@gmail.com.