pinoythaiyo team leni robredo thailand
Politics

LOOK: First PINKnic sa Thailand, mala-Christmas party ang vibes!

Masayang idinaos ng mga kakamPINKs sa Thailand ang kauna-unahang PINKnic noong Sabado, November 27, 2022.

Tatlong events sa magkakaibang lugar sa Thailand ang isinagawa bilang pagpapakita ng suporta para sa tandem na Leni Robredo-Kiko Pangilinan.

LugawOne at food packs distribution

Isang hanay ng Team Leni Robredo Thailand (TLRTh) ang nagsagawa ng food packs distribution sa On Nut area kung saan ay may nabiyayaang 38 na kababayan na tumanggap ng ilang groceries, rice, milk, at iba pang basic necessities.

Ayon sa Facebook page ng TLRTh, ang pamimigay ng tulong sa mga kababayang nangangailan dito sa Thailand ay bahagi ng LugawOne program na isinasagawa ng mga kakampinks sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

“Pangalawa pa lamang ito ng mga marami pang pagpapa-abot ng radikal na pagmamahal sa ating mga kababayan sa Thailand,” ayon sa post ng TLRTh.

Ang unang LugawOne na ginanap sa Thailand ay noong November 21 sa Bangkhae area.

Sa mga nais namang makiisa sa mga events ay inaanyayahang mag-register sa link na www.linktr.Ee/lenithaiyo!

Group selfie sa Wat Arun

Isang grupo naman ng mga kakamPINKs ang masayang nag-selfie at kumuha ng videos kung saan makikita sa likod ang isa sa mga kilalang tourist spots sa Bangkok, ang Wat Arun. “LET LENI LEAD” ang nakasulat sa mga banners na kanilang hawak habang iwinawagayway ang “L” sign bilang simbolo ng “paglaban para sa maayos na pamamahala”.

First PINKnic sa Thailand

Kinahapunan ng alas-4, ay nagtungo na ang mga kakamPINKs sa Viva Filipinas sa Akara Hotel upang isagawa ang kauna-unahang face-to-face na pagtitipon ng grupo.

Nagmistulang “Christmas party” ang “simpleng getting to know” dahil sa mga kwelang palaro, pa-raffle, at vibes ng mga kakamPINKs.

Kasama rin sa kanilang programa ang pagtalakay ng mga karapatan ng mga OFWs at ang obligasyon nito sa pagboto.

Makikita sa mga larawan ang kinasasabikang mga Pinoy food at merienda na inihanda ng Viva Filipinas na siya namang pinagsalu-saluhan ng mga kakampinks sa nasabing event.

Nagbigay rin ng mensahe si Vice President Leni Robredo para sa mga kakampinks sa Thailand at ang ka-tandem nito sa Halalan 2022 na si Senator Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng videos.

“May pa-tom yum soup at pad thai kami sa inyo!” sagot ng mga kakampinks sa tambalang Leni-Kiko.

Photos: Claro Cortes IV, Rowil Castillo Mandane, Ava P. Heid, Eyths Ibuna, Angelo Oresca, TLRTh Facebook page.

*All political groups in Thailand are welcome to send articles of their activities undertaken in the Kingdom.