alab pilipinas vs mono vampire2
Sports

Alab Pilipinas kontra 7’4’’ Deguara, Mono Vampire ngayong Linggo na (Jan 14)!

Huwag kalimutang manood ngayong Linggo, January 14, 2018 alas 7:00 ng gabi sa Stadium 29 (click for the map) ng Mono Vampire Basketball Team.

Makakaharap ng Tanduay Alab Pilipinas ang 7’4’’ na higante at tubong Malta na si Samuel Deguara. Si Deguara, na 26 years old pa lamang, ay world import ng naturang Thai team. Makikita sa video sa ibaba kung paano maglaro ang higante: konting talon lamang mula sa paborito nitong pwesto ay abot na ang ring.


Karaniwan na sa mga 7-footer ang mabagal kumpara sa ibang players, ngunit nagtala ng 22 points per game si Deguara na may 63% field goal sa kanyang unang laro para sa Mono Vampire. Nakagawa rin siya ng 3 blocks at 8 rebounds. Sa free throw naman ay maasahan rin dahil sa kanyang 67 percentage shots. Sumasabay rin ito sa mga fast break plays. Masasabing impressive ang kanyang unang laro sa Asean Basketball League (ABL) kasama ang koponan ng Mono Vampire.

Sa panig naman ng Alab Pilipinas ay nagpalit ito ng dalawang world imports kamakailan lamang. Pinaltan nila Renaldo Balkman at Justin Brownlee sina Ivan Johnson at Reggie Okosa na nagbigay ng positibong resulta para sa Alab Pilipinas.

Si Bronwlee ang dating import ng Brgy. Ginebra. Pinangunahan niya ang Ginebra upang makuha ang back-to-back PBA Governor’s Cup. Dahil dito ay nasarhan ang walong taon na title drought ng nasabing koponan.

Bagaman masipag at magaling, ngunit na ban sa PBA si Balkman matapos sakalin nito ang teammate na si Arwind Santos. “Everyone deserves a second chance” ang pahayag ni Arwind Santos noong tinanong ito kung nararapat bang muling palaruin si Balkman sa PBA. Sa huling laro ni Balkman laban sa Singapore Slingers ay nagtala ito ng 26 points, 8 rebounds, at 2 assists.

Tiyak na magiging exciting ang paghaharap ng dalawang koponan ngayong linggo!

Ang entrance fee sa Stadium 29 ay 100 baht per person, libre ang bata 15 taong gulang pababa.