The GAWAD PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) released today the list of 2018 Best Films on their official Facebook page (https://www.facebook.com/Pasado-Pampelikulang-Samahan-ng-mga-Dalubguro-100220093378346/). The list includes the following:
KUYA WES ang naiiba sa lahat ng pelikula sa taong ito. Ang “happy lang” na ipinakita sa peliula ay umaalimbukay sa pagkatao ni Kuya Wes. Simbulo ng romantisismo ang naratibo ng pelikula na nagsilbing kulay ng puso nito. PASADO ang pelikula sa gaan at ligaya ng buhay na siyang “pera padala” sa pagbuo ng ating inspirasyong umibig at ibigin.
GOYO ANG BATANG HENERAL ang pelikulang nagpapabalik sa nakaraang kasaysayan ng Batang Heneral. Nagpapataas ng isipan at pagmamahal sa bayan ng mga Filipino. Mahusay ang naratibo ng pagsasalaysay ng pag-ibig sa bayan at sa ugnayan ni Goyo sa ganda ng mga Filipina. PASADO ang naratibo ng kasaysayan at pagmumulat sa isip ng tunay na kabayanihan.
RAINBOW’S SUNSET ang pelikula na bumubuwag sa karaniwang relasyon na idinidikta ng lipunan. Ang puwang sa buhay na pinupunan ng dalisay na pag-ibig hanggang sa paglubog ng araw sa ating buhay. PASADO ang pelikula sa malayang damdamin na may diin sa pagkakapantay-pantay sa tinitibok ng ating puso.
ML ang pelikula na bubuhay sa nakaraan ng ating danas sa paniniil. Ang sakit ng torture sa katawan at isip na pumapailandang sa dugo ng paghulagpos sa katotohanan. PASADO ang pelikula sa danas at kalayaan ng damdamin at isip na may pagbubuo gamit ang naratibo ng pelikula.
SCHOOL SERVICE ang pelikula na naglalarawan sa realidad ng putang inang lipunan. Mapaghamon ang naratibo ng pelikula na may tusok sa puso sa serbisyo ng sasakyan sa mga tauhan na biktima ng politika ng lipunan at eksploytasyon ng kapwa tao. PASADO ang pelikula sa realidad at wika ng laylayan ng lipunan.
SPOKEN WORDS ang mga linya ng salita sa buhay ng pelikula. Ang tayutay na bumuo sa isip at galaw na winiwika ng mga tauhan sa naratibo ng pelikula. PASADO ang pelikula sa milenyong tudyuan ng ritmo ng lipunan.
ARIA ang pelikula na may malalim na kasaysayan ng ating bansa. Ang pag-ibig at digmaan ang pupuntahan ng buhay . Ang musika, kultura at wika naman ang kislap ng ating lahi. Si ARIA ang simbulo ng naratibo at pagkakilanlan ng damdaming Filipino. PASADO ang pelikula sa melodiya na may kimkim na lalim.
BOMBA ang pelikula na may tibok ng puso.Ang tahimik na pagkatao at lalim ng pandama ang ginawa ng pangunahing tauhan na bumuhay sa naratibo ng pelikula. Ang pagsabog ng BOMBA ang sukdulan ng ating pagtitimpi sa mapang-aping tao at lipunan.PASADO ang emosyon ng pelikula.
THE HOWS OF US ang pelikula ng nangangarap at umiibig na ikot ng kulturang Filipino. Pinatibay ang pelikula ng mahusay na naratibo na pinakinang ng disenyo ng produksyon… PASADO ang pangrap at pag-ibig ng kulturang Filipino.
Kasal. Ang naratibo ng pelikula ay may lalim na itinatago sa bawat aninong gumagalaw sa loob nito. Sino ang ikakasal kanino? Ang rebelasyon ng tunay na pagkatao ng ikakasal at ambisyon ng pamilya para sa kasal. Nagtagpo ang mahuhusay na pagganap sa nabuong pelikula. PASADO at Katangitangi ang kasalan ng tunay na pagkato ng pelikula.
Gawad PASADO is an award-giving body composed of Manila-based university teachers who believed that films are very effective tools of teaching.
The 21st Gawad PASADO Awarding Ceremony will be held on May 18, 2019 at the Quezon City Polytechnic University with this year’s theme: “Inobasyon at Integrasyon sa Pagtuturo ng Pananaliksik, Panitikan, Pelikula, at Pagsasalin.”