Isang pinay ang nakakuha ng NON-B visa sa Royal Thai Embassy sa Vientiane ngayong araw. Siya ay nag-apply ng visa noong March 19. Siya ay pabalik ng Thailand ngayong gabi. Nakakuha na rin sya ng medical certificate (from Mahosot Hospital sa Laos. Imposibleng makakuha din ng COVID-19 lab test dahil limited ang test kit at kanilang ine-entertain lamang yung merong mga symptoms). Meron din syang insurance (life insurance Prulife UK at travel insurance sa AXA Philippines (5M pesos) at AXA Thailand 5M baht). Ang inaalala nya ngayon ay kung tatanggapin ng airline (Thai Airways) ang kanyang insurance dahil walang nakalagay na “COVID-19”. Narito ang sample ng insurance certificate na ibinigay ng airline.
Sang-ayon pa sa ating kababayan, meron syang nakasabay na Italian citizen na kumuha ng medical certificate sa Laos ang hindi pinayagang makapag-transit sa Thailand dahil umano walang nakalagay na “COVID-19” sa kaniyang insurance certificate.
This is a developing story. We will update you again this evening.
Source: Thailand-based OFW