pera padala dee money
Buhay OFW

Iba’t-bang paraan ng pera padala, alin ang pinaka-dabest?

Karamihan sa atin ay nagpapadala ng pera sa ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas tuwing sasapit ang katapusan o swelduhan. Narito ang iba’t-bang paraan para makapagpadala ng ‘allowance’ sa Pilipinas. Alin ang ginagamit mo at sa tingin mo ay pinaka-dabest?

From Thai Bank to Philippine Bank

Hindi ko alam kung may gumagawa pa nito, siguro iyong masyadong malalaking amount ang pinapadala. Super mahal kasi ng fee at umaabot ng ilang araw bago makuha ng receiver. Pero siyempre pwedeng-pwede pa ring gawin.

Online Accounts tulad ng Paypal

Maganda ito kung ang receiver ay may Paypal account din, at ang pera ay gagamitin din online at hindi iko-convert sa cash. Kalimitan itong ginagawa ng mga bloggers at iyong mga mahilig bumili online. Para magkaroon ng Paypal account ay kailangan mo lamang ng email.

ATM na may VISA, Mastercard

Ito ang dati kong ginagawa. Mag-open ng Thai bank savings account with ATM na may VISA o Mastercard, ipapadala ang Thai ATM sa receiver sa Pilipinas, at iwi-widraw nila doon ang pera sa ATM na may MasterCard o VISA na logos. Mabilis at convenient din ito. Naitigil ko ito dahil may mas murang service fee at transfer rate sa ibang pamamaraan.

Individual Pera Padala Agents

Kapag masipag kang magbasa ng mga posts sa mga Pinoy FB groups tulad ng Filipino Community in Thailand ay karaniwan mo silang makikita na nagpo-post ng baht-to-peso rates, transfer fees, at iba pang mga promos.

Maganda ito sa mga walang time pumunta sa banko o gawin ang pagpapadala sa ganang kanilang sarili. Ime-message mo ang agent at ibibigay ang needed data at siya na bahala mag-asikaso. Kailangan mo rin siyempre ng bank account niya dahil ita-transfer mo doon ang perang ipapadala mo kasama na ang service fee. Ibibigay niya sayo ang digital receipt na ibibigay mo naman sa receiver sa Pilipinas para makuha ang perang ipinadala mo.

Kalimitan ay mataas ang transfer rate nila kumpara sa standard rate dahil pasiklaban sila sa mga clients. May cases na nag-iiba (bumababa) ang service fee at transfer rate kumpara sa nai-advertise depende sa lugar ng receiver o pick-up center na available.

Hindi rin naman garantiya na lagi silang available para i-process ang padala mo dahil karamihan sa kanila ay may hanapbuhay din, isang bagay na kailangan mo ring i-consider lalo na kung urgent ang pagpapadala mo.

Ria

Halos consistent na mataas ang transfer rate nila kumpara sa iba. Hindi naman masasabing scam dahil marami nang nagpatotoo na successful naman ang kanilang pagpapadala. Dito sa Bangkok ay makakapagpadala ka through Ria gamit ang GSBank.

Western Union-Krungsri Bank (o ibang bangko)

Ito ang kilala sa lahat at subok na. Mayroon na din silang online processing na kung saan ay hindi mo na kailangan pumunta sa banko, at ikaw na mismo ang magpa-process nang ipapadala mo gamit ang computer.

Nakikita mo na agad ang mga information na gusto mong malaman sa pagpapadala tulad ng transfer rate, service fee, eksaktong amount na mare-receive at makakaltas sa bank account mo.

Sa ngayon ay sa desktop lamang ito pwedeng gawin at hindi pa available para sa mobile (as of the posting). Ang kailangan mo dito ay account sa Krungsri Bank at mag-register sa kanilang website.

DeeMoney Mobile App

Ito ang pinakabago sa lahat at kauna-unahan sa Thailand na may mobile app. Lahat ng meron ang Western Union ay meron din ito, at marami pang karagdagan. Very convenient ang pagpapadala ng pera sa pamamagitan ng DeeMoney.

Maliban sa DeeMoney app na libreng mada-download sa Google Play o App Store ay kailangan mo rin ng app ng banko mo. Dalawang mobile apps ang gagamitin kung gusto mong ma-experience ang very convenient na pagpapadala.

Karamihan naman sa atin ay naka-install na ang bank app sa ating mga cellphones, so hindi na ito masyadong issue pa. Basta’t may kakayanang mag-process ng QR code ang bank app ay maaari mo itong gamitin. Pero mas lalung maganda kung ang bank app ay may module na pwedeng i-browse ang image na may QR code sa halip na mag-scan lamang. Yung iba kasi ay walang feature na ganito.

Sa pagpapadala through DeeMoney app ay may dalawang bagay na ibibigay sayo ang DeeMoney: QR code para mabayaran mo ang DeeMoney, at Cash Out Number na ibibigay mo sa receiver (ito yung kahalintulad ng MCTN sa WU).

Ang end result ng pag-process mo sa DeeMoney app ay isang QR code na ise-save mo sa phone. Ang QR code ay gagamitin mo para magbayad sa DeeMoney. Ang DeeMoney ang magpapadala ng pera mo kaya kailangan mo silang bayaran gamit ang bank app na meron ka sa cellphone mo. At kapag successful ang pagbayad mo sa DeeMoney ay may mare-receive kang SMS na kung saan ay nakalagay ang Cash Out Number na ibibigay mo naman sa receiver. Kasama ang Cash Out Number ay kailangan ng receiver ng valid government-issued ID para makuha ang pinadala mo.

Maaring sa umpisa ay aabot ka ng 10-20 minutes para gawin ang mga prosesong ito, ngunit sa mga susunod na pagkakataon ay napakadali na. Ganito ka convenient magpadala sa DeeMoney, lahat ay maaaring gawin sa pamamagitan lamang ng iyong mobile phone.

Alin ang ‘da best’?

Taas ng transfer rate, lower service fee, security, speed, convenience ng pagpapadala, at less hassle sa pagtanggap ay ilan lamang sa mga factors na ginagamit natin para masabing ‘da-best’ ang magpadala sa isang money transfer service.

Blessing sa ating mga pinoy dahil marami tayong choices sa pagpapadala ng pera sa Pilipinas. Alin ang ‘da best’? Depende na yan sa personality at sitwasyon mo. Habol mo ang promo o gimmicks ng isang money transfer? Mas priority mo ang taas ng transfer rate? Malapit ka sa bangko at nakasanayan mo na gawin ang pagpapadala through teller? Hirap ka pa rin sa apps? May trusted ka nang agent at gusto mong sila na mag-process ng padala mo? Gusto mong magpadala ng pera sa pamamagitan ng cellphone lamang at wala ka ng aabalahing ibang tao?

Para sa akin ay worth na subukan ang DeeMoney. Kahit nasaan kang lugar basta’t may Internet ay ayos na!

Maganda rin na makinig sa experience ng iba. Mas maraming choices mas maganda. Ang mahirap lamang sa lahat ng mga ito ay kung wala pang laman ang banko mo. Tsk, tsk, tsk… mahirap talaga magpadala ng wala pang pera! 🙂

Anong money transfer service ang paborito mo? Paano ka nagpapadala ng pera sa mga kamag-anak sa Pilipinas? Share it to us sa pamamagitan ng comment section sa ibaba.