Narito ang karanasan ng isang kababayan natin na bumalik pauwi ng Pilipinas noong July 1 via Philippine Airlines Bangkok – Cebu.
Flight – Sobrang alog ng plane pero super bait ng staff ng PAL. Grabe po pag-assist kahit pagod sila for sure.
SWAB Test – Mabilis ang processing ng SWAB test. May proseso kada galaw. Di rin po siya masakit basta magre-relax ka lang talaga.
Accommodation – Wala po akong masabi aside from the wifi kasi sa dami nga po siguro gumagamit. Minsan lang po maka-connect ng maayos sa net.
Food – Masarap po and on time from breakfast to dinner.
Problem encountered – Walang mabilhan ng sim card
FYI: Libre ang SWAB test, transportation to and from hotel, accommodation at pagkain ng mga uuwing OFWs.
Bago ang flight kailangan din mag-register sa http://oasis.owwa.gov.ph at Red Cross https://e-cif.redcross.org.ph.
Source: Pinay OFW from Thailand